9GAG0 is your best source of funny photos, funny stories, entertainment news and a whole lot of fun.

Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin

Bakit ba kasi ‘JOY’ pa ang pangalan ng dishwashing liquid na gamit ko kung hindi ko naman mahanap yung totoong joy at kaligayahan sa paghuhugas. Oo alam kong matatagpuan mo ang happiness kahit saan pero wala sa paghuhugas ng pinggan, pakshet.

Sabi nung isa kong FB friend na nagpost ng status, mahirap daw magmahal. Oo na! Siya na yung umiibig! Siya na may lovelife! Siya na pinagpala! Siya na yung pasok sa census na pinagkalooban ng tunay at wagas na pagmamahal. Eh ‘di wow! Ang laki-laki ng problema niya sa buhay. Pero mas hirap na hirap akong maghugas ng pinggan!



Nagsaing lang ako at nagprito ng dalawang pirasong tapa na parang 10 minutes ko lang ata kinain pero bakit halos mag-iisang oras na naghuhugas pa rin ako. Parang buong barangay yung kumain sa dami ng hinugasan ko. Gusto kong maiyak nun tapos saktong patutuluin ko yung luha ko dun sa mga pinggan. Malay mo may something mysterious pala sa teardrops ko at baka pagmulat ng mga mata ko, hugas na silang lahat. Pero wala pa ring nangyari. Naghugas pa rin ako ng may poot na nadarama sa aking puso. Tapos nung akala kong nahugasan ko na lahat, yung tipong pinupunasan at pinapatuyo ko na yung lababo at mesa habang medyo sumisipol ako, pagharap ko dun sa stove, andun pa yung sunog na kawali, kaldero at sandok, hindi pa nahuhugasan. Tipong nagkekekendeng kendeng pa sila habang sumisigaw ng, “So feeling mo tapos ka na?” Tanginuhhhhhh! Nakakaasar!! Wala ng katapusang pagdurusa ito! Ano bang ginawa kong masama.


Kahit may Vitamin E pa yan o ano, ang gusto ko lang naman sabihin, wag na lang JOY yung ipangalan sa dishwashing liquid. Mapanlinlang. Hindi makatarungan. Sana ginawa na lang nilang “MAGDUSA KA” Dishwashing liquid para damang dama ko lalo. :(
Share on Google Plus
    Blogger Comment
    Facebook Comment